This baby, tho. Baby Rhaego. I’m so hurt and sad he doesn’t really exist. </3

This baby, tho. Baby Rhaego. I’m so hurt and sad he doesn’t really exist. </3


NOT ONLY WOMEN CAN SAY I DO! :)

NOT ONLY WOMEN CAN SAY I DO! :)


“You can never unloved him, but you can love him in different way now. Like as friend..yeah. A friend.”



I Like When a Guy
  • pinches my cheeks
  • plays with my hair
  • asks for a hug
  • sings to me even he’s out of tune
  • makes silly faces
  • let me borrow his jacket
  • gets jealous but not being so possessive
  • shows his sweetness in just a simple message 
  • tells me story of anything
  • cares about me
  • makes me laugh until I cry
  • kisses my forehead
  • holds my hand tight
  • scolds me when I do something stupid but will
  • tell me he loves me after

“There’s always gonna be that girl who’s prettier than you. You just need to find the one guy that doesn’t care.”

Gustong gusto kong magshare ng mga nangyayari sakin. Kasi alam kong wala namang magkukusang magtanong. Gusto kong sabihin kung kamusta na ako, na kung ano nararamdaman ko ngayon. Na nasasaktan ako. Na nalulungkot ako. Na yung ngiti kong pinapakita eh pamatong lang sa sandamukal na iyak na inilalabas ko sa tuwing mag-isa ko.

Wala naman kasing magkukusa na magtatanong at magsasabi nang

"Uy, kamusta ka na?" 

"Ayos ka lang ba?"

"May problema ba?"

"Magshare ka naman."

Kaya gusto kong magsabi na lang. Ang kaso, wala naman ding gustong makinig. Hindi naman kasi ako importante.

Minsan nga yung salamin kinakausap ko na. Praktis lang baka kasi may magtanong ng nararamdaman ko.

May kapatid pala ako. Kaso lalaki, mas matanda sakin. Hindi naman sweet si Kuya sakin eh. Lagi kaming nag-aaway. Hindi ako makapagshare. Baka sabihin pa nun, korny mo.

Ay, may bestfriend din yata ako. Hindi ko sure eh. Baka nga ako na lang ang nag-aakalang bestfriends kami. Nakakalungkot noh? Di ko alam. Di ko na nga alam dapat maramdaman.

May mga kaibigan pala ako..kaso puro kalokohan at tawanan lang sila game eh. Sayang naman..

Ay, nagdarasal ako. Pero ang bigat bigat na eh, gusto ko nang ibagsak. Sorry, pero seryoso, nakakatulugan ko na ang prayers ko. Umiiyak kasi ako, ang dami ko nang sinasabi at kinukwento sa Panginoon hanggang sa nakakatulog ako na nakaupo. Ang bait nga ng Lord eh, kahit punong puno na ako, nakukuha N’ya pa rin akong mapatulog.

Pero iba yung may nakakausap ka talaga eh. Yung makikinig lang sa tabi mo, pakikinggan lang ng kadramahan mo sa buhay. Tapos kapag tapos ka na, tsaka ka nya sesermonan. Tapos sa dulo, yayakapin ka. Sana may ganun..sana.


HIM

Him.

His smile.

His eyes.

His voice.

His laugh.

His presence.

His existence.

Him.

I miss him..


HORROR MOVIES AND HUGS

PAYAKAP NAMAN! Actually yan ang gusto kong gawing title. HAHAHA Echos queen. I love hugs. I mean the hug hug, not that one arm hug. Para kasing kapag one-arm hug lang parang incomplete ang dating. Di tulad ng nakaembrace ka talaga, ramdam mo lahat. Warmth, love and comfort.

Eh anong connect ng Horror movies? HAHAHA. Wala lang. Lol. Well, di naman ako yung nanunuod ng Horror movies para makayakap lang. Pwede na siguro kung boyfie. Joke. Baka nga imbes na yakap magawa ko, makasapak pa ako. 

Kanina kasi sa praktis napagusapan namin yung isang Koreanovela na si Lee MIn Ho ang bida, yung The Heir. Ayun, tapos kinukwento ni Ate Cara yung behind-the-back-hug. HAHAHA! Ang tamis! Inaction pa nga namin kanina. Nakakatuwa, na kinikilig ako kapag naiimagine ko. Parehas nga kami ni Ate Cara, na sana may gumawa rin ng ganun samin. Huhuhu. Ayun talaga ang reason kung bakit naisipan kong magpost ngayon tungkol sa yakap na yan.

Balik tayong horror movies hane? Alam nyo bang AYAW na GUSTO kong manuod ng horror movies? Parang temung lang ako eh noh? Pero ganun talaga. Ayaw ko kasi lagi ako nagkakanightmare, I can’t sleep. Nakakabother matulog lalo na kapag inaabutan ako ng 3:00AM, kasi nga devil’s hour daw yun. Huhu. Gusto ko kasi pwede akong tumabi kay Mommy tapos yayakapin ko sya. :)

You know, I’m shallow in terms of happiness. Nakakalungkot kasing matulog na mag-isa sa kwarto. I feel alone. Gusto ko ng may kayakap kaya nga sa aming tatlo nila Mommy, ako yung may pinakamaraming unan para kahit wala akong kayakap na totoong tao eh may unan naman akong nakasuporta sakin.

Naalala ko nung DRT, wala akong mayakap. Si Ate Rix kasi humihilik kapag niyayakap. :( Wala lang. Nakakabore rine. Bye! :)

PS: Kaya kong tiisin manuod ng horror movies kung kapalit naman ay yakap. :)


Mother’s Day

I know this one is too late, but I don’t care. I would just like to thank this bebegirl I have. No, I’m not a single-mother, definitely not. Anyway, I wasn’t able to read in on time because I stayed at DRT for a week. It means no facebook, no twitter, no tumblr and stuffs for a week. Whatever. Hahaha!

Well, I’m just glad that my dear bebe remembered me. Thank You. Lord. :)


AGANG SCHEDULE

I was busy watching Game of Thrones Season one. You know, buffing and all is the hardest. I really wanted to buff all the season but it seems impossible especially we got this seasonal snail net connection. Ha! Anyway, I was being engaged with the scenes. The blood, those internal organs. Omyfreakinggerd! I really wanted to puke before until I was used with it and I’m enjoying those scenes. And every time I drink something, I always feel like I’m drinking blood like vampire sort of things. 

But then my facebook notified me that someone sent me a message. And it was from my classmate. Great way to fleet my excitement! Lol.


USAPANG MAHAL

A random conversation I had with my friends. We’re actually talking about One Direction as our boyfies. You know, those naughty and frisky imaginations. Hihi. Then we ended up talking with our lovies. My friend has a boyfriend and she said she was praying for his boyfriend, we should do the same. And we were like, I know, I know but not yet the right time.

I was like, I HAVE SPECIAL SOMEONE, I LOVE HIM SOOOO MUCH!

And my friend asked WHO’S YOUR LOVEYYYY?!!

And me, the super proud girly said: I LOVE AUGUSTUS WATERS SO MUCH! DO YOU KNOW HIM? FROM THE FAULT IN OUR STARS?! XD

And they were all: DREAM ON!

HOW SUPPORTIVE THEY ARE! Please note the sarcasm. HAHAHAHA! :)


MULTIPLE INTELLIGENCE.

This one is cool. I got Linguistic, Interpersonal and Intrapersonal. Last semester I got Interpersonal as my primary strength. I think it’s reliable and legit. <3 

Try yours.

http://literacynet.org/mi/assessment/findyourstrengths.html


JRM DRT DUPLAS SECOND ANNIVERSARY // DENTAL AND CIRCUMCISION MISSION

Exodus 15:18 Jesus reigns forever and ever

May 17, 2014

Saturday

Pagkagising ko pa lang, tawanan na kagad ang una naming ginawa ni Betchay at Hannah. Nakalimutan ko yung sinabi ni Hannah pero natawa talaga ako. Nagising kami na wala nang ibang tao, maliban saming apat na Org Shirt. :)

9AM ang start ng Anniversary. Pero andami nang tao sa labas, karamihan eh mga kabataan. Excited para sa Panginoon, hane?

Naligo kami doon sa poso ng mga Corpuz. Oha, ang dami naming pinaliliguan. Resort nga tawag namin sa mga yun eh.

Ay! Nabanggit ko ba na may tantusang nagaganap? Kung ilang beses ka dudumi eh magtatantos ka sa illustration board, at paramihan yata ang laban. At dahil dun, si Ate Rix ang nangunguna. May six na tantos sya.

Pero yung tantusan namin nagbabalat kayong good deeds kuno! HAHAHA!

Dumating yung mga taga-SanMiguel at mga taga-Guiguinto. Masaya ako kasi nakita ko ulit sila. Nakita ko ulit si Ate Sally, teacher ko rati sa Sunday school. Nagkakwentuhan nga kami eh. Ang tagal na rin pala.

Anyway, sumayaw kami, biglaan. Napagtripan lang. Tapos napakanta rin ako kasama ang mga choir ng JRM Gto. HAHAHA, ano ba yan! Hindi ko pa naman masaydo kabisado ang lyrics ng God is Here pero pinatos ko na rin.

Eto ang isa sa pinakamaya at pinakamalungkot na araw para sakin.

Masaya:

- 2nd Anniversary

- Makikita kong magperform ang mga tinuruan namin

- Maraming nagpatotoo

- Napupuno ako ng kagalakan.

Malungkot:

- BABABA NA SILA BETCHAYBEYBS AT HANNABEBS! :(

Anyway, nagpalaro pala kami. Dapat matutulog ako kaso ang OrgShirt daw ang magpapalaro sa mga kabataan! Aba, ang OrgShirt ay laging go at handa sa mga ganyang bagay!

Kaya naman gora lang peg. Nanggulo lang naman kami. HAHAHA!

Naghuling picture taking nga pala kami kasama ang newest member na si Ate Maye at ang FORMER adviser na si Ate Rix. Former kasi tumiwalag na sya at sumapi sa Choir! Mga Choir na yan! HAHAHA!

Ay, may pauso pala ako. Alam nyo yung PERFECT PEACE? :) Pwes eto, tignan nyo:

Matapos ang Anniversary eh, napagalaman ko na dito pala matutulog si Pastor at si Bojo. Wala lang, medyo malungkot ako kasi wala na sila Betchay. Nalulumbay talaga ako. Nakakahoemesick nga kako eh. Sabi na lang sakin ni BoomIma, eh konting tiis na lang, isang gabi na lang. Pero di ko naman akalain na pagbaba ko ng DRT eh ilang gabi ko rin sila mamimiss. Masyado silang naging malapit sakin.

Sa letrato na to, wala na sila Betchay dito. Siguro pauwi nang San Miguel:

Kinagabihan ay nagkaroon kami ng salu-salo. Kasama yung mga Youth na nakasama naming magkwentuhan at magkantahan. Nagusap-usap kami, habang ako, katext ko sila Hannah. Namiss ko kasi talaga sila agad. Nagpaplano na nga kami ng GA namin eh. (GENERAL ASSEMBLY) with our newest adviser. Si Boom Ima! <3 Hart!

Masanay na nga pala kayo sa mga boom.

Boom Ima. Boom Panot. Boom Tamad. Boom Itim. Boom Dapa.

Naalala ko tuloy na napagkakaisahan ako kasi inaaway ko raw si Ate Rix.

Sabi ko kasi, ay ang itim ko na. Andun pala si ATe Rix sa tapat ko.

Sumunod, ay uling! Kasi sa picture ni Betchay may uling sa mukha nila, eh di ko alam na andun din pala si Ate Rix.

Next naman eh yung amoy sunog. EH AMOY SUNOG NAMAN KASI TALAGA! AT DI KO ALAM NA DUMAAN SI ATE RIXXXXXXXX!

Last one yung Ay Nasunog! KASI NASUNOG YUNG CHARACTER KO SA LETSUGAS NA TEMPLE RUN NA YAN, MALAY KO BANG NANUNUOD SI ATE RIX?! HUHUHUHU

LAST NA TINGIN SA SUNSET. Nagpunta kami duuuuun sa bandang taas! Sila Ate Rix nagjogging kami naglakad. Aba, kainit kaya! Inantay namin yung sunset, nagpicture picture sila, nasama na rin ako kasi tumabi sila sakin. Medyo malungkot lang talaga ako kasi iniisip ko na sana andito rin si Betchay at Hannah! :(

Anyway, pinapauwi na nga nila ako. Maglakad na raw ako papuntang San Miguel at dun na raw ako manatili kela Hannah. Ansama nila noh? Inaaway nila ako. :(

HAHAHA, Nagsumbong!

Nung gabi din na yun, may hinatid kaming mga kabataan at sila Nay sa bahay nila. Gamit namin yung fx. Ayun siksikan kami roon. Ubaaah init!

Sa tent pa rin kami natulog. Tapos nakatapat yung electricfan sakin. Nagising ako ng 1AM ng madaling araw kasi ang sakit ng tyan ko. Gusto kong magtantos! Pero madilim na kasi kaya tiniis ko na lang. :( Nung kinaumagahan eh dali-dali akong punta sa CR. Futres di ko nakaya! Buti mabait so bessybib Mischa, pinauna nya na ako sa trono. Ayun nakapaglabas ako, pero masakit pa rin tyan ko. Binigyan ako ng maligamgam na tubig at gamot para mahimasmasan ang tyan, pero ganun pa rin. Masakit pa rin. :(

Naisip ko tuloy, anla ito. Ebang eba talaga sila Betchay, kinukulam na ako! 

DENTAL AND CIRCUMCISION MISSION DIN.

Sunday, May 18, 2014. LAST DAY.

Nagbantay ako sa Registration. Nakakaantok na napakainit. Kahit ginawa ko nang tagapaypay si Dolfo eh ang init pa rin talaga!

Pinagwalis nga pala ako ni Kuya Kavs. -.- Kahit masakit tyan ko ayos lang. Nakatikim naman ako ng durog na cookies. :P 

May gwapong dentist. Hehehehehehe JAMES daw pangalan. :) Ayon kay nay Ima!

AY MAY KWENTO AKO!

Nagkwento kasi ako kay Nay Ima,

Me: Nay! Ang gwapo nun oh!

NayIma: Wag mong ituro manuno ka. 

Me: Eh nay ano kaya pangalan?

NayIma: Malalaman ko yan mamaya.

Tapos nagkita kami ulit ni Nay Ima

Me: Nay Ima, asan si pogi?

NayIma: Andun sa loob.

Me: Kumakain?

NayIma: Hindi, pero inalok ko. Nakindatan ko na nga eh.

Me: Waaaah! Ang agap!

NayIma: James nga pala pangalan.

Me: *hindimakapaniwalangnaunahanpaakoniNayImaOmegerdgalingdumamovesniNayImaandyanpasiTayAkeIsumbongyan!*

At dumating na nga ang oras ng aming pag-alis! Ayoko pa talagang umuwi. Masyado akong nag-enjoy dito at napalapit na rin sakin yung mga tao. Mamimiss ko sila Nay Bekbek, tsaka Rhianbibi. :( Pero kaylangang lumisan para sa panibagong kabanata ng buhay. HAHAHA andrama!

Eto yung last picture namin with the youth! Mamimiss ko ang mga topak na to!

Nung pauwi na kami, kanya-kanya kaming pwesto sa loob. Mainit, nagpapawis nga ako eh, pero ibinawi ko na lang sa tulog. Sa buong isang linggo pamamaagi ko a DRT, wala akong matinong tulog kaya sa byahe ko na lang lahat ibinuhos.

Pero bago pa man kami tuluyang makalayo’t makababa ng DRT, nagpapicture kami sa Kalabaw. :)

HINDI KO ALAM ANG DAPAT KONG SABIHIN PERO NAGPAPASALAMAT AKO SA PANGINOON PARA ISANG KAKAIBANG KARANASAN AT PANIBAGONG ARAL NA AKING NATUTUNAN SA ISANG LINGGONG PAMAMALAGI KO SA DONYA REMEDIOS TRINIDAD DUPLAS.

TUNAY NGANG NABIGHANI AKO HINDI LANG SA LUGAR KUNDI MAGING SA MGA TAONG SABIK AT UHAW SA PRESENSYA NG PANGINOON! TALAGA NAMANG ANG TUNAY NA KAGANDAHAN AY MAS MAKIKITA SA KAIBUTURAN NG BAWAT BAGAY. NAITATAGO MAN SA KALIBLIBAN NG LUGAR NGUNIT PATULOY ITONG AANGAT AT UUSBONG PARA SA GAWAIN NI YAHWEH!

SA DIYOS ANG PAPURI’T PASASALAMAT! <3


Breakaway Theme
Design by Athenability
Powered by Tumblr